Bilang pagpupugay sa mga nalikhang awitin na alay pasasalamat sa ating mga FRONTLINERS sa kanilang serbisyo at sakripisyo maging sa ating mga mamamayan na ang mga awit ay nagbibigay INSPIRASYON at pag-asa sa panahon na tayo ay dumadanas ng pagsubok nabunsod ng Covid-19.
Sa natapos na botohan noong May 31, mula sa pinagsamang text votes ng lahat ng mobile networks ay lumabas ang resulta ng final tally of votes ng LetsVotePH ang nagwagi bilang Pop Inspiration Song of the Year ay ang awiting IKAKO โIkaw at Akoโ na isinulat at inawit ng SB19. Umani ito ng pinakamataas na text votes na nagmumula sa kanilang mga taga-hanga at taga-suporta. Patunay ng inspirasyon nito ang mensahe ng kanilang awitin na nagsasabiโ Panahon maโy nagdidilim, liwanag ay sisikat din, sabay nating haharapin. Takot sa pusoโy alisin, lahat ng toโy lilipas din, walang pagsubok na di kakayanin. Basta may pag-ibig sa puso natiโy magwawagiโฆโ
Samantala, ginawaran naman ang 2 awiting alay din sa mga front liners na tumanggap ng special awards para sa natatangi nitong obra.ย
Para sa Netizenโs Choice dahil sa most covered song by netizens sa youtube at iba pang social media platform ay ang awiting โBAGONG BAYANING PILIPINOโ na isinulat ni Pst./Capt. Garry Sibal at nilapatan ng musika ni Jewpeter Vidad na binigyang buhay naman sa pag-awit ng Enriquez Brothers.
Iginawad naman ang Peopleโs Choice sa โDAKILA KA, BAYANI KAโ ang awiting obra na isinulat ni Arnie Mendaros at sa musical arrangement ni Albert Tamayo. Ito naman ay inawit sa pangunguna ni Martin Nievera, Michael V, Carol Banawa, kasama din ang DepEd Secretary Ginang Leonor Briones at ang mga artists mula sa Polyeast Records at marami pang artists. Ang special award na ito ay bilang most mentioned song by people mula ng magsimula ang promotion ng awit na nalathala sa facebook, news feature, blogs at iba pang mga websites.
Ang tropeyo ay inspired sa disenyo at sagisag ng dambana ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na ika nya “Ang di marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Di man ito literal subalit isa lamang itong paalala sa atin na matuto tayong tumangkilik at magpahalaga sa ating wika kasama ng sarili nating musika at kultura. Kung kaya tayoโy nagpupugay sa mga obrang awitin na likha ng ating mga kababayang kompositor na nagpapamalas ng pusong Pilipino at pagmamalasakit lalo na sa panahong kailangan natin ang isaโt isa.ย
Wala mang magaganap na live awarding ceremony dahil sa pagsaalang-alang ng kaligtasan para sa lahat at pagsunod na rin alituntunin ng pamahalaan ay patuloy na nagpapasalamat ang pamunuan ng PPOP Awards sa mga natatanging kompositor, musikero at mga mangaawit na nagbahagi na kanilang ambag na musika na alay pasasalamat sa serbisyo at sakripisyo ng ating mga Front Liners sa panahong kinakaharap natin ngayon.
โMaraming salamat sa lahat ng bomoto na nakikiisa sa ating hangarin. Sa lahat ng mga lumikha ng awit ay sumasaludo kami sa inyong dedikasyon at kontribusyon na nagpapasigla sa larangan ng musika na malaki ang ambag nito sa paglago ng ating industriya at lipunan.”