Kindness still exists!
Everyone in Manila seems to always be in a hurry, and this is particularly evident if you’re a commuter. People walking fast in all directions, commuters shoving each other to get in the already full trains,ย and motorists overtaking and swerving like maniacs on the roads…to name a few.
And so when Marvin Clavio Panganiban encountered a UV Express driver who showed incredible kindness to a pregnant passenger, he just had to share it on social media. It was a rare encounter, after all.
Here’s what happened, according to his Facebook post:
Marvin wrote:
“Kanina, mga bandang ala una ng hapon, nakasakay ako sa isang UV Express papuntang Philcoa. Pagdating ng Banawe – Q. Ave, tinanong ni kuyang drayber yung pasaherong babae sa likod kung saan siya bababa, sumagot ito ng “Delta po.” Pagdating ng Delta, huminto yung van dahil sa stoplight, pero di bumaba si ate na pasahero at hindi rin nasabihan ni kuyang drayber siguro dahil nakalimutan din niya (at di ko rin napaalala dahil nakalimutan ko din ????). Dumating kami sa tapat ng National Bookstore tapos biglang sinabi ni kuyang drayber, “Ay ate, saan nga kayo sa Delta bababa?” Sabi ni ate, “Sa may tapat po ng Cowboy Grill” Sabi ni kuya, “Nakahinto po tayo sa tapat kanina, Ma’am.” at di na sumagot si Ate. Paglingon ni kuya kay ate, sabi niya, “Ay Ma’am, buntis po ba kayo?” at tumango si ate. Imbis na ibalik ang pamasahe ni ate o basta basta na lang mag-sorry, biglang nagsalita si kuya at sinabing, “Sandali lang ho mga boss ha, may iiikot lang ho tayong buntis.” At ayun, umikot at hinatid siya mismo sa kanyang dapat babaan.
Hindi ko nakuha ang pangalan ni kuya pero ito ang kanyang litrato at biyaheng SM Fairview-Buendia ang van niya.
Walang kwenta para sa iilan, ngunit malaking bagay para sa karamihan. Saludo kay kuyang drayber na may malasakit at malawak na pang-unawa, lalo na sa mga buntis.”
Kudos to this driver for (quite literally) going out of his way just to make sure his pregnant passenger is comfortable.