<

LOOK: Netizen’s Post On Catcalling Goes Viral

For women, When In Manila, it is a common occurrence to experience “catcalls” or unwarranted attention from strangers (usually men) while on the street. This usually comes in the form of whistling as you pass by, or by calling out phrases such as: “Hi, sexy!”, “Hi, miss beautiful!”, “Smile ka naman d’yan, miss”, and whatnot.

Some women choose to ignore them, while others feel embarrassed, insulted, and even harassed. It is not common to hear female friends complain about this, yet one netizen, Maxine Mae Liwanag chose to post her experience on social media, which has gone viral.

According to the post, even while Maxine is clearly seen wearing a long-sleeved shirt, jeans and boots, she still gets catcalled, meaning that the idea that it’s a girl’s outfit that makes her susceptible to catcalling.

netizen posts experience on catcalling

Here’s the full post:

“Miss, angkas ka na sa ‘kin”

I got catcalled this morning, on my way to work. I got catcalled last week. I get catcalled almost weekly. The picture below shows how I looked like earlier when I was waiting for my ride. MERON BANG MALI? Kabastos bastos ba yung suot ko? Forearm, leeg at mukha ko lang ang balat na nakikita, nakatawag pa din ba ng pansin? Ang putla putla ko, magulo ang buhok, attractive ba?

Gusto kong malaman sa mga lalake mismo, BAKIT GINAGAWA NG MGA LALAKE ITO?

“Good morning, miss ganda”
“Hatid na kita”
“Uwi ka na? Ingat ka ha”
“Ganda mo naman”

Lahat yan sinabi na sa akin. At alam kong LAHAT ng babae naranasan nang ma-cat call. Sa mga lalakeng nagbabasa nito ngayon, ipapaalam ko sa inyo anong pakiramdam ng isang babae pag ginaganyan nyo sila.

Nahihiya, hindi kumportable, natatakot, naiinis, nagagalit, nababastos.

Tuwing may nagaganyan sa akin, nanginginig ang buong katawan ko sa takot at inis.

Sabihin nyo nga sa akin? Ano’ng dapat kong gawin? Ano’ng dapat gawin naming mga babae para hindi nyo kami bastusin?

Pag may nag catcall sa akin, minsan gusto kong murahin kahit hindi naman ako nagmumura. Kanina gusto kong ituro sa mukha nung lalake yung middle finger ko. Pero natakot ako. Lagi akong takot. Paano kung bumaba sya ng bike nya, at patulan ako? Paano ako lalaban, eh ang hina hina ko?

Sumagi din sa isip ko ang sumigaw para mapahiya sya. Pero, natatakot ako. Natatakot ako na imbes na yung lalake ang mapahiya, sa norm ng society na ‘tin baka ako pa ang pag isipan na papansin kasi iisipin na “harmless naman yan, di ka naman hinawakan wag kang maarte ate, pa famewhore ka eh”.

Kayong mga lalake wala kayong idea kung anong klaseng discomfort ang binibigay nyo sa aming mga babae tuwing ginagawa nyo yan. Wala kayong idea kung gaano kami nappraning. Ako, ayokong mag public commute talaga, dahil yan ang isang sitwasyon na mapipilitan kang makisalamuha sa kung sino sino. Ayoko, hindi dahil maarte ako, ayoko kasi I feel unsafe.

Napansin ko, tuwing kasama ko ang boyfriend ko; NEVER AKONG NA CATCALL. Kahit kasama ko si Dave, yung kapatid ko NEVER akong nabastos.

So ganon? Pag may kasama kaming lalake, dun nyo lang kami marerespeto?

Mula highschool ako hanggang ngayon nangyayari pa din sakin yan.

Nung nagwowork pa ako sa BDO, so mini skirt at naka stockings ang uniform namin. Sumakay ako ng trike, sabi nung driver “Talagang may stockings ang uniform nyo?” Sabi ko “opo”. Sagot nya, “AHHH OK NGA EH, ANG SEXY”. Again, nanginig ako sa sobrang takot.

Lalo na nung college ako, nakasakay ako sa jeep. Medyo maluwag mga apat lang kami nakasakay so nakatagilid ako maupo at yung kamay ko nakahawak sa bakal nun bintana. Paghinto ng jeep may barker sa kanto, HINAWAKAN NUN BARKER YUNG KAMAY KO SABAY SABING “INGAT KA HA”.

Pagdating ko sa school, iyak ako ng iyak sa takot. Hindi ko makwento kahit kanino kasi NATATAKOT ako na sabihin ang arte ko. Pero ngayon, hindi na ko teenager. ENOUGH IS ENOUGH. Kaya ko ‘to pinost kasi naalala ko yung pamangkin kong si Zildjian. Balang araw, dadating yung time na maglalakad na din syang mag isa sa mga kalsada. HINDING HINDI KO KAYANG MAIMAGINE NA PAGDADAANAN NYA YUNG CATCALLING AT KUNG ANO ANG MAGIGING EPEKTO SA KANYA.

Naala ko nitong Sabado lang sa KalyeSerye, tinanong ni Lola Nidora “May balot na balot bang nababastos?” Sabi ni Tinidora “MERON!” Nung tinanong ni Nidora yun, sobrang nagsisigaw ako sa loob ko na “OO, MERON! Kung alam nyo lang iba na ang panahon ngayon. Walang pinipili ang mga BASTOS.”

Sa mga kagaya kong babae, I encourage you to speak up. They may be physically stronger but if we show them resistance then maybe this unfathomable practice of catcalling will end. Or at least become illegal sa bansa natin.

Also please, sa mga lalake dyan ipaliwanag nyo sa kin, bakit nyo yan ginagawa at ano ba ang dapat naming gawin para hindi na yan mangyari sa amin. </3 Kasi ako ang tingin ko, dapat may makulong dahil sa pag cat call, para tigilan nyo yang ginagawa nyo.

What do you think of this? Do you agree with her post?

No Responses